top of page

ELEKSYON NG FACEI AT FBDC

SA FEATI UNIVERSITY

 

NAKATAKDANG idaos ang General Assembly Meeting & Election of FEATInian Association of Civil Engineers, Inc. (FACEI) – Face Builders & Development Corporation (FBDC) para sa lahat nang miyembro, board of directors at opisyales na boboto at aspiranteng kandidato sa araw ng Linggo, Mayo 11 taong kasalukuyan na gaganapin sa loob mismo ng unibersidad ng FEATI na matatagpuan sa Helios St., Sta. Cruz, Manila.

 

Dito sa eskuwelahang ito nahulma ang pagkatao at nagsunog ng kilay ang inyong lingkod para matapos ang kolehiyo.

 

Lahat ng FEATI Civil Engineering graduate o at least Third (3rd) year FEATI CE regular student ay puwedeng maging FBDC stockholders.

 

Ang FBDC ay conglomerate engineering and general construction company na pag-aari at eksklusibong pinamamahalaan ng mga FEATI CE graduates na may sangay na tanggapan sa PCSI Bldg., 244 Banlat Road, Tandang Sora sa lungsod ng Quezon.

Rehistrado ang kompanyang ito sa Securities and Exchange Commission (SEC) na may SEC Reg. No. CS201313154 at may initial authorized capital na halagang limampung milyong piso (P50M).

 

Layunin ng FBDC na mapunan ang mga magagandang objectives ng FACEI at maibahagi ang kanilang pagiging dalubhasa, ideya, kasanayan at mapagkukunan o resources dealing with the challenging civil engineering and construction business.

 

Malaking tulong at sakripisyo para ang pangarap ng mga Featinians ay magkaroon ng katuparan sa larangan ng konstruksyon sa pamamagitan ng masisipag na haligi ng korporasyon na sina FBDC CEO & President Engr. Alfredo F. Villarin at FACEI President & FBDC Chairman of the Board Engr. Bonifacio “Rocky” V. Manuel.

 

Inaanyayahan ang lahat ng miyembro, opisyales at stockholders na makiisa sa gaganaping eleksyon.

 

Para sa lahat ng inquiries o katanungan tungkol sa isasagawang General Assembly sa Mayo 11, 2014, mangyaring makipag-ugnayan sa FACEI-FBDC Secretariat na si Engr. Marino “Ariel” J. Sapugay, Jr.

 

Ang mga requirements at kwalipikasyon ng mga aspiranteng kandidato pati na rin ang mga activities at schedules ng naturang makasaysayang okasyon ay masisilayan at mababasa sa facebook account ng FACEI Community o sa http://www.myfacei.com/.

 

 

Puwede rin na mag-send ng email sa secretariat@myfacei.com o tumawag sa mga telepono bilang +63917.707.7339, +63947.943.9493, +63928.430.7478, +63908.895.8702 at +63922.690.9969 para sa iba pang katanungan.

 

Magsisimula ang General Assembly Meeting and Election alas-9:00 ng umaga at magtatapos bandang alas-5:00 ng hapon.

 

Kabilang sa Election Committee sina Engr. Alfred F. Villarin (Chairman), Engr. Nina C. Austria (Vice Chairperson) at tatlong miyembro na sina Engr. Flor DJ. Francisco, Engr. Ben L. Mojica kabilang ang inyong lingkod.

 

oOo

 

Kung may reaksyon, reklamo o suhestiyon…text lamang po kayo sa 0906-5582848.

 

Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa e-mail address ng inyong lingkod sa ligaligin.natin@gmail.com.

 

Trabaho po lamang at walang personalan.

OPINION

HOT NEWS 

SHOWBIZ

BOOBS NI MARIAN RIVERA IPARERETOKE

HERBERT:  FRIEND KO NA LANG SI KRIS AQUINO

SPORTS

© 2014 by DYARYO. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
  • RSS Classic

AZKALS PASOK SA 2014 CHALLENGE CUP FINALS

GIN KINGS NAPANATILI ANG WINNING STREAK  VS. AIR 21

SUNOD NA MAKAKALABAN NI PACMAN, SA NOBYEMBRE MALALAMAN - ARUM

3 SUSPEK SA HOTEL OWNER KILLING, STATE WITNESS

EX-POLICE OFFICER NA PDEA OPERATIVE AT 1 TANOD, HULI SA BUY-BUST OPERATION SA LA UNION

 ESTRADA TUMANGGING MAGPASOK NG PLEA

MGA MAGSASAKA SA ILOCOS AT CAR NAGPROTESTA VS IMPORTASYON NG TABAKO

BINAY, NAGBABALA VS HI-TECH CHEATING SA 2016

DUTERTE UMAPELA NG UNAWA SA UMANO'Y TILA MARTIAL LAW NA SEGURIDAD SA DAVAO

bottom of page