39 HOSTAGE NG NPA, 26 PINALAYA, 13 HUMAN SHIELD
DAVAO CITY – Isasailalim ngayong araw sa stress debriefing ang 26 na mga sibilyan na kabilang sa 39 na ginawang bihag ng rebeldeng New People's Army (NPA) sa Sitio Tabon, Barangay Panamin Mabini, Compostela Valley Province na kilalang isang mining community.
Ayon kay Lt. Col. Michael Luico, commander ng 66th IB Philippine Army, tumulong umano sa negosasyon ang barangay kapitan sa nasabing lugar upang ligtas na mapalaya ang mga biktima.
Napag-alaman na sa 39 na mga ginawang human shield, apat nito ay mga bata na kinabibilangan ng isang apat na buwan, isang taong gulang at dalawang tatlong taong gulang kung saan dalawa rito ay mga babae.
Binigyang linaw naman ni Luico na ang detachment ng militar ay nasa Brgy. Mahayahay at malayo sa Sitio Tabon kung saan nangyari ang insidente.
Karamihan umano sa mga minero ay naghahanapbuhay lamang at temporaryong naninirahan sa Sitio Tabon.
Sa kasalukuyan, patuloy ang military operations ng mga sundalo lalo na't alam na nila kung saan nananatili ang mga rebelde. Layon ngayon ng mga sundalo na mailigtas pa ang natitirang bihag ng mga armadong grupo.
COMELEC: "HAKOT NG BOTANTE, WALANG MASAMA
Wala umanong masama sa paghahakot ng mga pulitiko ng botante para magparehistro.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na maaaring magtipon ng registrants ang mga registrants ang mga pulitiko o political parties at dalhin sa mga lokal na tanggapan ng Comelec at iparehistro.
Ayon sa opisyal, hindi ito ipinagbabawal ng Comelec dahil layunin din ng Comelec na mas marami ang makapagrehistro.
Nilinaw ni Jimenez na ang ipinagbabawal ay ang paghakot ng botante sa mismong araw ng halalan.
Simula May 6 ng taong kasalukuyan, tatanggap ang Comelec ng gustong magparehistro para makaboto sa 2016 elections.
Umapela naman ang Comelec sa iba pang voters na walang biometrics data na tumungo sa mga tanggapan ng ahensiya.
Ayon kay Jimenez, kahit na nakapagparehistro kung walang biometrics data ay hindi pa rin makakaboto sa araw ng halalan.
OPINION
HOT NEWS
SHOWBIZ
BOOBS NI MARIAN RIVERA IPARERETOKE
HERBERT: FRIEND KO NA LANG SI KRIS AQUINO
SPORTS
© 2014 by DYARYO. Proudly created with Wix.com