top of page

BUHAY AT PAG IBIG NG ISANG MANUNULAT
Hindi madali ang maging isang manunulat o tagapagsiwalat .
Kailangang nasa puso at tapat ka sa iyong ginagawa.May dedikasyono passion.ang isang writer ay dapat na may malalim ang pinaghuhugutanng kanyang damdamin upang makabuo ng isang salaysay o pagbabalita.
Ang inyong lingkod bilang isang writer/kolumnista ay walang takot na bumabatikossa lahat ng bagay.
Lalong- lalo na sa katiwalian ng mga taong nanunungkulan, saan mang ahensya ng gobyerno -national man o lokal na pamahalaan.
Sa ganitong pagkakataon, dapat matatag ka at pawang katotohanan ang iyong isisiwalat.
Kaya simula noon, patuloy akong nakasubaybay sa takbo ng kapaligiran.
Bilang writer, tumutumuligsa ang inyong lingkod upang ipaalam sa mambabasa o sa publiko ang nangyayaring katiwalian - pawang katotohanan at makabuluhan ang isinisiwalat namin.
Bilang sumbungan ng masa, higit na makakasubaybay ngayon sa problema ng ordinaryong masa ang inyong lingkod.Kadalasan kasim, hindi nila alam kung paano at kanino lalapit para magsusumbong ng kanilang mga hinaing.
Masarap sa pakiramdam kapag nakakatulong sa ating mga kababayan.Subalit hindi maiiwasan na marami rin ang nagagalit sa tulad naming - mga taong nasasagasaan,lalo na at natutumbok sa mga katiwalian.
Madalas din kaming makatanggap ng mga pagbabanta at pananakot.Ngunit hindi kailaman nabahag ang buntot ng inyong lingcod sa mga tiwali n gating bayan.Ang ating katwiran - paano maipararating sa publiko ang uri ng mga taong tiwali.
Kaya bilang sumbungan ng masa ang pitak na ito, titiyakin natin na ibibigay natin ang buong panahon para mag- imbestiga kung kinakailangan.
Hindi iyong kathang isip lamang ay ilalathala na ng walang karampatang katibayan.Lahat ng ilalathala ng pitak na ito ay pawang katotohanan.
Lahat ng ilalathala ng pitak na ito ay pawang katotohanan kaakibat ng hawak na katibayan.
Iyan ang inyong lingkod, ang bagwis ng barako – ang sandigan ng mamamayan laban sa katiwalian
Kaya sa ilang mga tao sinisiraan ang inyong lingkod, hindi porke at pinababayaan kita/kayo sa mga ginagawa nyo ay abswelto na kayo.
Alam naman ninyo kung ano ang totoo, kahit pa anong gawin n'yong pagtakpan ang sarili n'yo – tiyak, ang takot at pangamba ang uusig sa mga ginawa nyo.patuloy pa rin ninyong pinaniniwala ang lahat sa inyong mga kasinungalingan.
Patuloy nyo pa ring ginagamit ang mga taong walang ka muwang-muwang para sa pansarili ninyong interest.
Masyado kayong nasilaw sa posisyon kaya kayo ay naging gahaman.Kaya maaga rin kayong nalunod at nasunog.
Sa halip na magalit ang pitak na ito sa mga kalokohan ninyo -- naaawa pa ako sa inyo.
Lalo lamang kayong nalulubog sa katotohanang batid nyo na, anumang masamang gawain ay may katapusan din.
Naniniwala ang pitak na ito na mas matibay ang good karma kaysa sa bad karma na dumating na sa inyo.
Good luck!
***
Kung nais ninyong mag-comment, magreklamo at magpadala ng inyong mgaHinaing, mag-text lang sa 0920 8020516. Kung nais namang magpadala ng inyong mensahe, ipadala lamang sa email address na loi_arena@yahoo.com.
OPINION
HOT NEWS
SHOWBIZ
BOOBS NI MARIAN RIVERA IPARERETOKE
HERBERT: FRIEND KO NA LANG SI KRIS AQUINO
SPORTS
© 2014 by DYARYO. Proudly created with Wix.com
AZKALS PASOK SA 2014 CHALLENGE CUP FINALS
GIN KINGS NAPANATILI ANG WINNING STREAK VS. AIR 21
SUNOD NA MAKAKALABAN NI PACMAN, SA NOBYEMBRE MALALAMAN - ARUM
3 SUSPEK SA HOTEL OWNER KILLING, STATE WITNESS
EX-POLICE OFFICER NA PDEA OPERATIVE AT 1 TANOD, HULI SA BUY-BUST OPERATION SA LA UNION
ESTRADA TUMANGGING MAGPASOK NG PLEA
MGA MAGSASAKA SA ILOCOS AT CAR NAGPROTESTA VS IMPORTASYON NG TABAKO
BINAY, NAGBABALA VS HI-TECH CHEATING SA 2016
DUTERTE UMAPELA NG UNAWA SA UMANO'Y TILA MARTIAL LAW NA SEGURIDAD SA DAVAO
bottom of page