top of page

HINAING NG MGA PASYENTE SA

OSPITAL NG MUNTINLUPA

 

KAHAPON, may dinalaw kaming pasyente sa Ospital ng Muntinlupa (OSMUN).

 

May dumating na bisita ang dinalaw ko na isa rin palang pasyente na naka-confine pa

rin at bagong opera lang.

 

Hindi sila makalabas dahil may dapat silang bayarang cash na renta raw sa machine na ginamit sa operasyon sa kanya.

 

Sumabat ako sa usapan.

 

Sinabiko ng inyong lingkod na ganundin ang ngyari sa kamag-anak ko noong operahan din na kailangang bayaran ng hiwalay ang aparato dahil nirerentahan lamang ng OSMUN ang mga machine dito -- panahon pa ito ni dating Mayor Aldrin San Pedro.

 

Sana daw ay sinabi agad ang ganung sitwasyon at nang mapaghandaan.

 

Hindi 'yung kung kailan pwedi nang lumabas saka lamang sasabihin.

 

Totoo, walang sinuman ang nag-aadvice na mga taga OSMUN sa mga pasyente na dapat 

bayaran ng hiwalay ang gagamiting aparato dahil nirerentahan lang nila ito.

 

Kaya nagugulat na lamang ang mga kawawang pasyente na kapos sa pambayad at umaasa lamang sa subsidy na galing sa Muntinlupa City Hall.

 

Ito yata yung tinatawag na tie-up, sa panahon pa nga ni Mayor San Pedro.

 

Sa halip na bumili ng machine, mas ninais pa ang mag renta.

 

Kasi nga may komisyon sila sa kumpanya na ka tie-up ng OSMUN.  Ngayon naman ay wala na

ang administrasyon ni San Pedro at bago na ang mga namumuno.

 

Bakit patuloy pa ang ganitong kalakaran sa OSMUN?

 

Ayon kay Mayor Jaime Fresnedi, bibili ng makina bilang tugon sa mga reklamo ng mga pasyente at open ang bidding sa lahat ng supplier.

Pero halos tapos na ang first quarter, wala pang naia-award sa mga nanalong supplier sa OSMUN.

 

ang tanong -- bakit?

 

Noong Muntinlupa Day na nag-ulat si Mayor Fresnedi sa bayan na  naka-allocate na ang mga pondo sa lahat ng dapat na pondohan.  Kabilang dito ang pangangailan ng OSMUN.  

Pero mukhang may problema ba, Dr. Edwin Dimatatac?

 

 

Bakit yang tie-up tie up na 'yan na panahon pa ni San Pedro ay hindi mo mabitawan? Samantalang kaya namang bumili ng Muntinlupa dahil sa laki ng budget na inilaan nito sa OSMUN.

 

Dahil wala na si San Pedro, kaninong bulsa ba napupunta ang komisyon ng mga machine na 'yan  ha Dr. Dimatatac? Totoo ba ang naka-post sa BARAKO TABLOID? 

 

Mayor fresnedi, OSMUN ang nangunguna ngayon na malaki ang problema, hindi lamang ang mga pasyente ang pro blemado, maging ang ibang mga doktor mismo. 

Ilang mga staff ay may reklamo sa pamumuno ng director.  Sana po ay mabigyang pansin ninyo ng pansin

ang mga karaingan ng mga pasyente.

 

Hindi lang po makapag salita ang ibang mga staff at mga doktor sa pamamalakad nitong director na inilagay nyo.. Porke inaanak nyo siya, malakas daw si ya sa inyo.  Paki imbistigahan nyo po ito...

 

************************************************************************************************

Happy fiesta to Our Lady of Fatima sa Ronda, Cebu and happy reading to Requilme 

family lalo na kay Ligaya Cuevas & family.  Happy 6th anniversary to MSR (Muntinlupa Street

Riders).  Mabuhay kayo!

 

 

OPINION

HOT NEWS 

SHOWBIZ

BOOBS NI MARIAN RIVERA IPARERETOKE

HERBERT:  FRIEND KO NA LANG SI KRIS AQUINO

SPORTS

© 2014 by DYARYO. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Classic
  • Twitter Classic
  • Google Classic
  • RSS Classic

AZKALS PASOK SA 2014 CHALLENGE CUP FINALS

GIN KINGS NAPANATILI ANG WINNING STREAK  VS. AIR 21

SUNOD NA MAKAKALABAN NI PACMAN, SA NOBYEMBRE MALALAMAN - ARUM

3 SUSPEK SA HOTEL OWNER KILLING, STATE WITNESS

EX-POLICE OFFICER NA PDEA OPERATIVE AT 1 TANOD, HULI SA BUY-BUST OPERATION SA LA UNION

 ESTRADA TUMANGGING MAGPASOK NG PLEA

MGA MAGSASAKA SA ILOCOS AT CAR NAGPROTESTA VS IMPORTASYON NG TABAKO

BINAY, NAGBABALA VS HI-TECH CHEATING SA 2016

DUTERTE UMAPELA NG UNAWA SA UMANO'Y TILA MARTIAL LAW NA SEGURIDAD SA DAVAO

bottom of page