top of page
HINDI maka-moveon ang Kapamilya actress-host Kris Aquino kahit na nangako siya na hindi na kailanman magsasalita hinggil sa napabalitang boyriend na aktor at naging pulitikong si Herbert Bautista.
Ayon kay Kris, hindi niya puwedeng itago ang kanyang nararamdaman kaya idinedicate niya kay Bautista ang kantang “Separate Lives.”
Inamin ni Kris sa national television na sila ni Bautista ay nagde-date nang may ilang buwan.
Ngunit nang sumabog ang balita hinggil sa kanilang relasyon, tinuldukan na nila ito bago pa man magtapos ang Mahal na Araw.
Ayon sa sources na malapit kay Bautista, hindi na nito dinadalaw ang 43-anyos na aktres dahil naapektuhan nang husto ang dalawang anak nito kay Tates Gana.
Nasaktan daw ang mga bata nang kumpirmahin ni Kris Aquino sa kanyang morning show “Kris TV” noong Abril 28, 2014 ang kanilang relasyon. Dahil sa pagtatapos ng kanilang relasyon, nag-dedicate ang aktres kay Bautista ng mga kantang U2 na “With or Without You” at kay Nina na “I Don’t Want To Be Your friend” kabilang na ang kay Phil Collins hit song “Separate Lives” na kinanta ng “The Voice of the Philippines” finalists Thor Dulay at Radha Cuadrado.
“Hindi man ako makapagsalita, ito lahat ang nilalaman ng puso ko at alam mo naman ito. So ‘yung next na song, ito talaga ‘yon,” sabi ni Kris bago ito kantahin ng singer.
Ayon kay Kris, mas mabuting hindi na pag-usapan pa ang kanilng relasyon para manatili na lang siyang magkaibigan ni Bautista.



OPINION
HOT NEWS
SHOWBIZ
BOOBS NI MARIAN RIVERA IPARERETOKE
HERBERT: FRIEND KO NA LANG SI KRIS AQUINO
SPORTS
© 2014 by DYARYO. Proudly created with Wix.com
AZKALS PASOK SA 2014 CHALLENGE CUP FINALS
GIN KINGS NAPANATILI ANG WINNING STREAK VS. AIR 21
SUNOD NA MAKAKALABAN NI PACMAN, SA NOBYEMBRE MALALAMAN - ARUM
3 SUSPEK SA HOTEL OWNER KILLING, STATE WITNESS
EX-POLICE OFFICER NA PDEA OPERATIVE AT 1 TANOD, HULI SA BUY-BUST OPERATION SA LA UNION
ESTRADA TUMANGGING MAGPASOK NG PLEA
MGA MAGSASAKA SA ILOCOS AT CAR NAGPROTESTA VS IMPORTASYON NG TABAKO
BINAY, NAGBABALA VS HI-TECH CHEATING SA 2016
DUTERTE UMAPELA NG UNAWA SA UMANO'Y TILA MARTIAL LAW NA SEGURIDAD SA DAVAO
bottom of page